Friday, April 10, 2009

Elevator 'Vent'

So my ex left for Canada to meet his new bf. To be honest I'm happy for him.

Bumaba ako ng building para maihatid man lang siya at makita sa huling pagkakataon bago siya umalis. Hindi ko na ninais sumama ng airport kasi nga maiiyak lang ako. Magmumukha naman akong ewan pagnagkataon.

"Mel, alis na ako". Ito ang huling salita na narinig ko sa kanya ng pasakay siya ng taxi papuntang Dubai airport. Ngumiti lang ako at tumungo at sumagot ng "Sige, ingat".

Habang sinisipat ko siya sa taxi na kanyang sinakyan ako ay nagsindi ng yosi sabay sabi sa sarili ko na "paalam". Tumingin sa langit at nagbuntong hininga.

Iiling-iling habang naglalakad papauwi sa aking tinitirahan nang biglang bumuhos ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Ano ba naman to, bakit ngayon pa" nangingiting sabi ko habang patuloy kong pinipigil ang sarili ko sa pag-iyak. "Hala sa bahay ka na lang umiyak at wag dito sa labas, nakakahiya!!" So ayun kahit papaano naudlot ang pagbuhos ng luha ko.

"Ding" tunog ng elevator. Pasok sa loob. sabay pindot ng "5" (kasi nga sa fifth floor ako nakatira diba). 1....2....3....4 Biglang huminto ang elevator at hindi bumukas ang pinto. Nagtaka ako at napaisip (hmmmm) "Ano ba naman yan! Of all the days na pwedeng magloko ang elevator bakit ngayon pa!". Sinubukan kong pindutin yung 'alarm button' pero walang response. pindot pa ulit at sigaw ng saklolo.. walang response parin.. Naupo na lang ako sa pagkainis.

Tumayo at humarap sa salamin ng elevator at nagsabi ng "Things will get better soon.... Things will get better soon". Eto nanaman iyak nanaman ako. Hagulgol. Siguro nagiiyak ako for like 5-10 minutes non stop.

Matapos ng aking walang katapusang pagiiyak. biglang umandar ang elevator at huminto sa palapag ng aking tinitiran "5", 5th floor. Taka ako at napakamot ng ulo. Shocked sa mga nangyari ako ay dali-daling lumabas ng elevator....

Salamat Mr. Elevator! Thanks for giving me the space that I needed and thanks for 'listening'. It certainly made me feel better!

Monday, March 16, 2009

Scribble 1

Crust

Ang hirap ng mga naging struggles ko for the past few months. Ginawa ko na lahat para maayos ang buhay ko but still the past is haunting me. Halo-halo na kasi at ang sakit sa ulo.

I've never got the chance to talk to anyone right now kaya inisip ko na lang na iblog ang mga bagay na gusto kong sabihin. I just want someone to listen out. yung tipong makikinig lang sayo. I'm not asking for anyones empathy o kahit ano pa. i just want someone to be there for me.

Well uumpisahan ko na.....

Ang dami kong pinagbago nung mga nakaraan na buwan. Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko at sa kakayanan ko. as in nawala lahat. at the same time naging manhid ako. ito siguro yung resulta ng pagsasabay sabay ng mga hindi magandang nangyari sa buhay ko. Ang pinakamasama pa nga ay naging sinungaling ako sa sarili ko. I kept on telling myself na ok na ako. hindi naman. i tried to fake a smile. try to cheer myself up pero wala paring epekto. alam ko naman na hindi naman dapat magdwell sa nararamdaman ko ngayon pero sometimes it helps in a way para mailabas ko ang lahat-lahat. I have denied myself of that privilege and now i am paying the price.

Hindi ako makahinga while typing this blog. sinasabi ko sa sarili ko na i dont deserve this. parang wala nga akong magawa e. parang kailangan ko lang i absorb ang lahat. natatakot nga ako kasi baka isang araw na lang bumulagta na lang ako dahil sa stress.

Mantle

Malaki ang naging pagbabago ko since September 2008. Pagkaraming-raming bagay ang nangyari sa buhay ko. Una naghiwalay kami ng ex ko. Pangalawa nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa bahay na tinitirahan namin dati, Pangatlo hirap magbayad yung kaibigan ko ng pagkakautang sa akin. I wish things will turn back to how it used to be. Naiiyak nga ako ngayon pagnaaalala ko ang mga dinaanan ko. ang mga naging pagkakamali. Kung pinagbutihan ko sana. Totoo talaga na nasa huli ang pagsisisi. at ngayon pinagsisisihan ko ang lahat.

Core

Ok uhmmm... may nagustuhan ako since last year and sa tingin ko hindi niya ako nagustuhan... I don't know pero for some reason hindi na niya ako kinontak after seeing my photo. I feel sad of course. Alam ko naman na lahat ng tao e may kanya kanyang standards. may iba na they go after looks and may iba naman na anything goes basta ok pakisamahan. I've tried everything pero wala parin eh. Ni text ni misscall ala. nagrequest na nga ako kahit magsend siya ng blank message para at least alam ko na natatanggap niya message ko. but still i didn't receive any response.

Well thats it. May mga bagay talaga na hindi talaga para sayo. Siguro ang pagiging pagkakamali ko lang ay ang magkagusto sa tao na hindi naman dapat o dapat siguro iniligay ko na lang ang sarili ko sa dapat kong kalagyan.

I've learned a lot from this experience. Its still hurts pero wala naman akong magagawa eh. I just have to bear with it for the time being...

Somehow gumaan ang pakiramdam ko sa pagsusulat ko ngayon. at least nailabas ko na ng lahat-lahat.

Kung meron man na tao na nakapagbasa nito maraming salamat sa pagbibigay atensyon sa mga nilalaman ng blogsite ko.